Hi Beastfriend! <3
First time kong gagawa ng ganto kaya, sana magustuhan mo. HAHA. XD
There’s a difference between friends and bestfriends. Friends? Sila yung mga kaibigan mo na nakakasama mo, nakaka’usap mo, nakaka’tawanan mo. Pero Bestfriend? Sya yung nandyan palagi para sayo. Yun tipong handang mang’away at mapatawag sa office ng principal pag may umaway sayo. Resbak kumbaga. Sya din yung malalapitan mo pag may problema ka, yun tipong sasabihin nya, “Wag ka mahihiya tawagan ako, Para san pa ko diba?”. Yung walang hiya-hiya pag may gusto syang itama sa mali mong nagawa. Yung pag may pagkain ka, automatic dapat sya meron din. Yung isang tinginan nyo lang, gets nyo na agad ang isa’t-isa. Bigla kayong tatawa ng malakas at walang pakielam sa mga tao sa paligid nyo. Sya din yung pag nakita nyo yung Crush ng crush mo, todo lait yan. Parang nanay yan kung mag-alala sayo. Siraulo man yan, hindi ka naman papaiyakin. Laging totoo sayo. Ayaw ka nyang nakikita na malungkot. Ich’cheer up ka nya agad kahit magmukha syang tanga mapangiti ka lang. Madami pang pwedeng sabihin kung ano ang Bestfriend. Pero that’s not the reason kung bakit ko to ginawa.
May kwento ko sainyo. First year ako nun, Napalipat ako ng teacher namin sa upuan sa harap. Madaldal daw kasi ako. Advantage din yun sakin that time, Kitang-kita si crush dun sa pwesto e! XD Medyo nahirapan ako dun sa harapan. First, wala akong makausap. Second, lahat ng kaibigan ko nasa likod. Haha! Pero one day, yung girl sa harap ko, kinakausap ako. hanggang sa naging madaldal na kami pareho. Yung hindi na kami makikinig sa teacher kasi busy kami pag-usapan kung ano bang perfume yung mabango, saan nakakabili ng ganto, ng ganyan. Ako naman natuwa kasi atleast may nakakausap ako diba? Chuchoosy pa ba ko? Lol. Mabait sya. Medyo nerd cause she was wearing glasses non. (Parang ako hindi. XD) Makulit tumawa, malakas mang-asar. MATAKAW. Anyhoo, Natapos ang school year na yon na puro ganon lang ginagawa namin.
SECOND YEAR. Yan yung time na naging medyo close na kami. Why? Napalipat lang naman sya sa likod. Sakto, kami ng friends ko nakahilera dun. :) Kaya ayun, Instant “barkada” agad. Ang daming nagyari nung magkakatabi kami. We wrote stories together, kumakain ng patago pag may classes, pasimpleng nag papasahan ng letter. Naalala ko nun, Sabi ng teachers namin, “Yung girls sa likod hindi ko ililipat ng upuan. Behave naman sila e.” BEHAVE DAW?! Haha. Okay naman sana ang lahat hanggang sa nangyari yon…
Ano nga ba yon? Well let’s just say na isa yun sa mga bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Sige nga, pano pag yung taong trinato mong bestfriend kaya ka pala pagsalitaan ng ganon behind your back, matuwa ka kaya? To think na grade six pa lang kayo na yung magkasama. wtf lang diba? Akala nyo may mas sasakit pa don? Oo, meron. Yun yung mga fowl words pala na sinasabi nya, dun nya sinasabi sa friend ko. Tell me, gawain ba yun ng isang bestfriend? :$ Lumala pa yan. Umabot pa nga yan dun sa point na halos lahat ng classmates ko di nako pinapansain. Na’brainwash yata? lol. The issue got resolved but things never got back to the way they used to be. Lesson learned? Kilalanin nyo muna yung mga tao sa paligid nyo. You’ll never know who your true friends are. Iniisip nyo siguro bakit parang off topic na? Kasi, dahil dun sa away na yon, Naging bestfriend ko SYA.How? One time, I saw her crying dun sa pwesto nya. Nandun yung bestfriends nya by her side. Tinanong ko kung bakit, sabi lang nila sakin “Wala yan, Nalulungkot lang sya kasi diba lilipat na sya ng school” But I knew better. Hindi naman sya iiyak ng ganon for a reason like that. Ginawa ko, I confronted her. Ang totoo? My ex-bestfriend was saying awful things behind her back. Kesyo “di naman sya magaling kumanta e.” “pilit yung boses. HAHAHA” Suddenly I felt guilty. Pano kase, ako yung kasama ng ex-bestfriend ko sa panlalait. I wasn’t insulting her to be honest. Nag-aagree na lang ako. Pero yun din ang labas diba? so yeah. May nalaman pa nga kami nun e. Yung ex-bestfriend ko pala, pag lalaitin ako, sakanya sinasabi. tapos pag sya yung lalaitin, sakin sinasabi. Kaya we decided to play dumb. kumbaga, we’ll act like hindi namin alam yung mga ginagawa nya. sa totoo lang, gusto namin sya tawanan. Makikita mo kasi kung gano sya kaplastic. Enough of her, More on us na lang. HAHAHA. XD
Naging bestfriend ko sya dahil dun. Who would’ve thought na dahil lang sa simpleng daldalan magkaakron ako ng bestfriend. Sa totoo lang, Mas tinuturing ko syang bestfriend kesa dun sa dati. Why? Kasi kahit hindi naman kami ganon katagal magkakilala, we managed to stay true to each other. Yung ramdam mo yung sincerity nya kapang magkausap kayo. That’s one of the many things na hindi ko naramdaman sa bestfriend ko dati.
Kaya ngayon, I’m very thankful na binigay sya ni God to be my friend. Pero sakin? She’s more than a friend e. Angel in disguise sya. Tae ang cheesy. haha. Sya lang naman yung dinedescribe ko sa first part neto. :)
Hoy B! Alam mo ba, Sayo ko nakikita yung ideal bestfriend ko? This friendship of ours is too good to be true. Sana lang hindi natin makalimutan isa’t-isa. Remember this?
Yan tayo e. We’re exact opposites yet we think alike. Totoo nga yung sinasabi nila na “opposites attract” XD Alam mo, miss na miss na kita. Talking through the phone ain’t enough. Namimiss ko na yung presensya mo. HAHA. Yung tawa mo, yung walang paalam na pagkuha ng pagkain ko. Yung bigla mo na lang kakalkalin yung bag ko. 
Best memories comes from bad ideas. Haha. Just so you know, Ikaw pa lang ginawan ko ng ganto. PEKSMAN! XD Worth it naman. Kung di dahil sa past natin, di tayo magiging ganto. :)

Naalala ko tuloy pag nakakakita tayo ng pictures ni Ranz tska ni Oliver. Huehue. ;)
Basta b, thank you for everything. For being the BEST FRIEND I NEVER HAD. Yung promise natin ha? Forever tayo! :* Happy friendsary b. 10 months and counting. \m/

Eto lang yata yung picture natin na matino e! HAHAH.

Looking forward to more years of friendship with this girl. I love bibi! Haha.
Sana magustuhan mo. mwamwa. :*
xx, Patty.
I cried while typing this. #realtalk. :)






